BULACAN
Ang lugar na kung saan ka marerelax!
Huwebes, Pebrero 28, 2013
Huwebes, Pebrero 21, 2013
ANO NGA BA ANG BULACAN?
Ang Bulakan ay isang lalawigan
sa Gitnang Luzon.
Ito rin ang tinatawag na “Lupain ng mga Bayani.” Dito nanirahan ang mga tanyag
na bayani tulad nina Francisco
Baltazar, Marcelo H.
Del Pilar at Gregorio del
Pilar. Ito ay kilala sa mga malalawak na sakahan, dam, at lungsod na
may mauunlad na industriya.
Ang Bulakan ay nasa timog-kanlurang
bahagi ng Gitnang Luzon.
Ito ay nasa hanggahan ng Nueva Ecija mula
hilaga, ng Aurora at Quezon sa silangan,
ngPampanga sa
kanluran at Kalakhang
Maynila at Look Maynila mula sa timog.
Binubuo ng 2,625.0 kilometro kuwadrado ang
buong lalawigan ng
Bulakan. Humigit kumulang 14 na porsiyento ng buong sukat ng Luzon ang
sinasaklaw ng Bulakan. Mayroon itong 21 munisipalidad, tatlong lungsod at 569
barangay. Ang Lungsod
Malolos ang kabisera ng naturang lalawigan.
Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago
pa dumating ang mga Kastila sa bansa. Nanggaling sila mula sa baybayin ng
Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang lupa at napapaligiran ng
ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay kilala na
bilang lalawigan ng Bulakan.
Pinaniniwalaang
mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang
"bulaklak". Maaaring tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook
na may maraming tanim na bulak o bulaklak.
Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang
isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay
isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila. Ang Simbahan ng Malolos at
Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan ni Pangulong Emilio
Aguinaldo at ng kanyang batasan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)