Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 21, 2013

ANO NGA BA ANG BULACAN?
          
          Ang Bulakan ay isang lalawigan sa Gitnang Luzon. Ito rin ang tinatawag na “Lupain ng mga Bayani.” Dito nanirahan ang mga tanyag na bayani tulad nina Francisco BaltazarMarcelo H. Del Pilar at Gregorio del Pilar. Ito ay kilala sa mga malalawak na sakahan, dam, at lungsod na may mauunlad na industriya.

          Ang Bulakan ay nasa timog-kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito ay nasa hanggahan ng Nueva Ecija mula hilaga, ng Aurora at Quezon sa silangan, ngPampanga sa kanluran at Kalakhang Maynila at Look Maynila mula sa timog.


          Binubuo ng 2,625.0 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Bulakan. Humigit kumulang 14 na porsiyento ng buong sukat ng Luzon ang sinasaklaw ng Bulakan. Mayroon itong 21 munisipalidad, tatlong lungsod at 569 barangay. Ang Lungsod Malolos ang kabisera ng naturang lalawigan.

          Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa. Nanggaling sila mula sa baybayin ng Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang lupa at napapaligiran ng ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay kilala na bilang lalawigan ng Bulakan.

          Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may maraming tanim na bulak o bulaklak.

          Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila. Ang Simbahan ng Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan ni Pangulong Emilio Aguinaldo at ng kanyang batasan.

50 komento:

  1. ok, you may start promoting your blog. please add more details and videos regarding to your topics.

    TumugonBurahin
  2. Maganda dyan sa Bulacan.. :)
    Andami pang magagandang mga resort dyan :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

      Burahin
    2. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

      Burahin
    3. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

      Burahin
  3. maganda pero pakidagdagan nalang po ng more information about po sa bulacan suggestion ko lang po

    TumugonBurahin
  4. Ah oo,maganda ang bulacan madaming resorts.. tuwing tag-init dun kami pumupunta

    TumugonBurahin
  5. Nakapunta na ako rito. :)
    maganda sana kung mas dadagdagan pa ang impormasyong nais ibahagi.

    TumugonBurahin
  6. Maganda ang naging kalabasan ng blog. :) Very informative. :)

    TumugonBurahin
  7. Very informative ang inyong blog. Maaari itong ipakita sa mga dadayo diyan sa Bulacan para malaman din nila ang iba't-ibang pasyalan sa Bulacan :)

    TumugonBurahin
  8. Oo nga. Sumasang ayon ako sa kanila. Nakapunta na ako sa mga resorts ng Bulacan ng dalawang beses kasama ang aking mga kaibigan at mga guro. Naiangs ko rin puntahan ito kasama ang aking pamilya mag bonding kasama nila. Madami ngang resort at farm na makikita sa Bulacan nais ko sanang malaman ang iba't iba pang resort nila dito.

    TumugonBurahin
  9. Dahil dito akoy nahihikayat na pumunta ng bulacan :)

    TumugonBurahin
  10. Great blog. Sana sinabi niyo na rin kung saan makikita yung 8-waves at yung Jed's Island.

    TumugonBurahin
  11. Nice.
    Pakidagdagan nalang po siguro ng more info
    :)

    TumugonBurahin
  12. Ang ganda talaga sa Bulacan. Nakakahikayat talaga bumisita dito. Very informative.

    TumugonBurahin
  13. Salamat sa information tungkol sa bulacan .Madami akon nalaman tungkol dito.At sumasangayon ako kay kirk bamba na dapat nilagay nyo kung saan makikita yung mga pasyalan baka kasi sakaling may mga taong interesado na pumunta dun.Pero anw. ang ganda ng blog niyo

    TumugonBurahin
  14. Maganda talaga sa Bulacan. And dahil sa blog niyo mas marami lalo akong nalaman na bago sa Bulacan. Very informative blog guys.

    TumugonBurahin
  15. Magaling ang site. Simple ngunit puno ng impormasyon.. Nagkaka-interes tuloy akong pumunta sa Bulacan dahil sa magandang kultura na meron pala ito.. Salamat sa pagsha-share ng blog na ito sa akin.. Marami akong nalaman na bago.. :)

    TumugonBurahin
  16. Very Informative. Maganda po and I would like to go there and it would be awesome if you add how to go to that place!!!!!

    TumugonBurahin
  17. Maraming salamat sa impormasyon na ibinigay ninyo. Gusto kong makapunta dyan sa Bulacan. Lalo na sa 8 waves waterpark! Malapit na rin Summer e. :D

    TumugonBurahin
  18. Nakapunta na po ako sa bulacan ^^ maganda yung barasoain church and good job on the blog! marami pa akong nalaman na impormasyon tungkol sa bulacan :)

    TumugonBurahin
  19. Marami pa palang mga magagandang pasyalan sa Bulacan. Akala ko ay parang simple at tahimik na lugar lang iyon. may ihahataw pa pala sila:D

    TumugonBurahin
  20. Salamat sa karagdagang impormasyon patungkol sa bulacan.. ngunit sana ay nakapagbigay pa kayo ng iba pang lugar na maaaring puntahan sa bulacan.. dahil madalas nang puntahan iyan sa mga lakbay aral.

    TumugonBurahin
  21. The blog is quite nice. It's good that you put up some description about the place it makes your blog informative.

    TumugonBurahin
  22. Sa tingin ko naman ay maganda ang Bulacan, pero mayroon kasi akong ilang naririnig na, ilan daw sa mga presidenteng nanumpa rito ay minalas katulad na lamang ni ERAP at Emilio Aguinaldo, nainiwala ba kayo dito? YUn lang ang gusto ko pong masagot, sa kabuuan,maganda ang blog, may definitons, may pictures, videos na lang ata ang wala. Thanks

    TumugonBurahin
  23. Para po makita ang iba pang mga posts just click HOME. Thank you!

    TumugonBurahin
  24. Sana ay nilagyan niyo ng mas malawak na pagpapaliwanag ang mga sikat na lugar para mas mahikayat pa ang mga turista at iba pang mga tao na pumunta sa Bulacan. Pero madami din namang mga impormasyon ang blog na ito lalo na ang KASAYSAYAN nito.

    TumugonBurahin
  25. Ok yung blog kaso sana nilagyan niyo ng mas malawak na pagpapaliwanag ang bawat lugar gaya ng Jed's Island at 8 Waves Waterpark dahil alam naman natin na relaxing doon ang kailangan lang eh yung deskripsiyon ng bawat isa tulad ng kung paano pumunta doon para na rin sa mga turista nais marelax Pero maganda ang blog. Good job. Just add more informations regarding on the places

    TumugonBurahin
  26. Well written and very clear! Just what I needed for my research! Thank you! I'll give credit

    TumugonBurahin
  27. Thumbs up on your blog guys! Its very persuading! My family said that we will go and try to visit 8 waves on summer... I'm very happy that I opened this blog :)

    TumugonBurahin
  28. An ganda ng blog niyo. Ang dami kong natutunan tungkol sa Bulacan =)))

    TumugonBurahin
  29. Hi Guys! I salute you all! Ang cute ng blog nyo! Informative! May homework na ko sa wakas after 123456789 Years of browsing! ^_^

    Sana marami pang magview and drop ng comment sa blog nyo.. I'll share it to my friends :>

    And my Mom said pag-uwi nya rito sa Philippines we will visit Bulacan! ^_^

    Ang saayaaa!

    TumugonBurahin
  30. Ang ganda po ng blog nyo.. Punta ko dyan sa sweldo ko. Dalhin ko family ko, try ko po sa Jed's Island.. Patok po yun sa mga anak ko :)

    Good job po sa pag gawa nito.. More power to you guys!!! :))

    TumugonBurahin
  31. Nice blog! very informative at ang blog nio ay maaaring mapataas ang turismo ng bulacan dahil sa mga patok na pasyalan at mga bagay dian ! =D

    TumugonBurahin
  32. Maganda ang mga binigay niyong information tungkol sa Bulacan :) Tama din ang sabi nila, na sana mas nilagyan niyo pa ng iba pang mga lugar. To be specific, yung mga lugar na hindi masyado kilala, para mas maging interesado ang mga mambabasa sa blog niyo. :D

    TumugonBurahin
  33. Maganda ang mga impormasyon na binigay niyo tungkol sa Bulacan.. :) Pero tama yung sabi nila, na sana dinagdagan niyo pa ito ng iba pang mga lugar. To be specific, yung mga lugar na hindi masyado kilala. Para mas maging interesado ang mga mambabasa sa blog niyo. :D

    TumugonBurahin
  34. Great blog! But it is much better if you add more details about beautiful places found in Bulacan..

    TumugonBurahin
  35. Nice blog.. Talgang nakakarelax diyan sa Bulacan..:)))

    TumugonBurahin
  36. Great place, indeed. :) I really love this place.

    TumugonBurahin
  37. I really like this place <3.. What a nice Place :))

    TumugonBurahin
  38. Nice blog. Marami akong natutunan tungkol sa Bulacan. Magdagdag pa siguro kayo ng information about the places, para mas maging interesting yung blog.

    TumugonBurahin
  39. nakakalito,bulakan is municipality,we use K,province C ,bulaCan

    TumugonBurahin
  40. nakakalito,bulakan is municipality,we use K,province C ,bulaCan

    TumugonBurahin
  41. Cno po kaya ang unang gobernador ng bulacan?

    TumugonBurahin
  42. Maraming Salamat po Sa mga info. About Sa bulacan.

    TumugonBurahin